Buwan at baril
1.
Buwan, buwan, hulugan mo ako ng sundang
Sa panahon ito ng kaguluhan
Ilang daang taon na rin ang nabibilang
Iginapos ang masa sa kahirapan
2.
O bituin, bituin sa kalangitan
Himagsik ng karet, inyong tulungan
Lahat halos ng butil sa tanim niya'y dumadaan
Ngunit siya'y sa gutom ngayon pinapatay
Koro 1
Ang maghimagsik ay makatarungan
Ito'y tungkuling sadyang nakalaan
Sa mga bisig na nagngangalit, pumipiglas
Sa bawat sikmurang dinadahas
3.
Buwan, buwan, hulugan mo ako ng sundang
Sa panahon ito ng kaguluhan
Mula't sapol nang isilang at magkamalay
Iginapos ang masa sa kaalipinan
4.
O araw, araw sa kataasan
Himagsik ng maso'y iyong tulungan
Lahat halos ng yaman ay kanyang pinaluluwal
Ngunit siya'y pulubi, alipin sa --
Koro 2
Ang magrebolusyon ay makatarungan
Ito'y tungkuling sadyang nakalaan
Sa mga kamaong nagngangalit, pumipiglas
Sa bawat ninanakaw na lakas
Uuu (sa tono ng 1)
Juan, Juan, hulugan mo ako ng sundang
Sa panahon ito ng kaguluhan
Na gagawing sandata sa lalahukang himagsikan
Upang mapuksa, ugat ng kahirapan
Na gagawing sandata sa lalahukang himagsikan
Upang mapuksa, ugat ng kahirapan